Napiling artikulo
Ang Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad (NAPOCOR o NPC) (Inggles: National Power Corporation) ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na naglilingkod bilang pinakamalaking tagapagbigay at tagapaglikha ng elektrisidad sa Pilipinas. Ito rin ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO, ang natatanging tagapamahagi ng kuryente sa Kalakhang Maynila. Ang NAPOCOR ay ang pinakamalaking korporasyon sa bansa sa larangan ng rentas, kahit may suliranin sa pagkakaroon ng kita nito. Nakapaglikha ng mga paratang na nadadawit ang kumpanya sa pagsasagawa nang madalas ng mga katuusang labag sa batas, na nagdudulot ng mahinang pagkakaroon ng kita. Subali't nananatili pa rin sa pagpapatunay na ito. Ang mga ibang agam-agam na ang pagkahina sa pagkakaroon ng kita ay dulot lamang ng kapaligirang pang-ekonomiya. Itinatag ang NAPOCOR noong Nobyembre 3, 1936 sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 120 na ipinasa ni Pangulong Manuel L. Quezon. Isinabansa ng batas ang industriyang hidroelektriko at inilaan ukol sa gamit ng NAPOCOR, lahat ng mga batis, mga lawa at mga bukal sa Pilipinas kung saan makakalikha ng kuryente, na napapailalim sa mga umiiral na karapatan. Ang korporasyon ay itinatag nang likas bilang di-pansaping korporasyong pambayan sa ilalim Batas Komonwelt Blg. 120. Noong 1960, gayumpaman, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 2641, napalitan ito sa pansaping korporasyon, ganap na pag-aari ng pamahalaan, na may halaga ng puhunang P100 angaw.
Napiling larawan
Ang Black Lives Matter (BLM, lit. na
'Mahalaga ang Buhay ng [Lahing] Itim') ay isang desentralisadong kilusang pampulitika at panlipunan na naglalayong itampok ang diskriminasyon ng lahi, at hindi pagkakapantay-pantay ng lahi na nararanasan ng mga taong may lahing itim. Kapag nagsasama-sama ang mga tagasuporta ng kilusang ito, ginagawa nila ito bilang protesta laban sa mga insidente ng brutalidad ng pulisya at karahasang udyok laban sa mga taong may lahing itim. Nagsimula ito kasunod ng pagpatay kina Trayvon Martin, Michael Brown, Eric Garner, Pamela Turner at Rekia Boyd, bukod sa iba pa. Tipikal na tinataguyod ng kilusan at mga kaugnay na mga organisasyon nito ang iba't ibang pagbabago sa polisiya na tinuturing may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga taong may lahing itim. Habang may mga tukoy na samahan tulad ng Black Lives Matter Global Network na tinatakan ang sarili bilang "Black Lives Matter", ang kilusang Black Lives Matter ay binubuo ng isang malawak na hanay ng mga tao at mga organisasyon. Nananatili ang slogan o sawikain na "Black Lives Matter" mismo na hindi nakatatak-pangkalakal ng anumang pangkat.
May-akda ng larawan: Rhododendrites
|
Mga kamakailang pangyayari
- Digmaang sibil sa Siria: Pitong tao ang namatay at 12 ang iba na nasugtan ng pag-atake mula sa ere sa Gobernato ng Idlib, Siria.
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Nirekomenda ng IATF na luwagan ang mandato ng pagsusuot ng face mask (o telang pantakip sa mukha) at gawin boluntaryo ang pagsusuot nito sa labas kung saan may magandang bentilasyon, sa kondisyon na bumuti ang pagkuha ng pagpalakas (o booster) laban sa COVID-19.
- Umamin na hindi nagkasala ang dating Punong Estratehista at Senyor na Tagapayo sa Pangulo ng Estados Unidos na si Steve Bannon sa isanampang kaso sa New York para sa diumanong pandaraya sa mga tagapagkaloob sa pagtatayo ng isang pader sa katimuganang hangganan ng Estados Unidos.
- Ipinabatid ng Palasyo ng Buckingham na namatay si Reyna Elizabeth II (nakalarawan sa kaliwa) sa gulang na 96 sa Kastilyo ng Balmoral sa Eskosya. Humalili sa kanya bilang monarko ang kanyang anak na si Charles III. (nakalarawan sa kanan)
- Bumoto ang parlamento ng Kapuluang Solomon upang iantala ang pangkalahatang halalan sa gitna ng mga pagtutol ng mga partidong oposisyon, na inakusa ang Punong Ministro Manasseh Sogavare ng "pag-agaw ng kapangyarihan".
Alam ba ninyo
|